Pagkalito sa Mistulang Sigurado

Siguro nga musika mo ang tinatangi, sa iyong himig ako’y isinayaw mo

Siguro nga sa’yo ako patungo, naiibang yugto kung saan matututo

Siguro nga mga hibla mo ang pupuno, sa mga espasyong iniwan ng tampo

Siguro nga mga titig mo ang tuwirang tutunaw sa pusong mailap sa init

Siguro nga sa’yo lilinaw, liliwanag, ang bahaging natakpan na ng anino

Siguro nga maririnig mo ang hiyaw, ng kumakawala kong pangarap

Siguro nga matutupad mo ang mga pangakong binali ng ilang milyong lumipas na segundo

Siguro nga maaaninag mo ang tunay na kulay na tinatangi ko

Siguro nga ikaw ang pagtitimpi sa mga bagay na dapat ng itago

Siguro nga gunita ka ng bukas na ang tanging hangad ay kalinawan

Siguro nga hindi ito silakbo lamang, pagkahumaling na pangmatagalan

Siguro nga ikaw ang sisilipin, sa tuwing nariyan na ang takipsilim

Siguro nga dito sa kalituhan,

Ikaw ang kundiman,

Kaulayaw ng pangarap na nilikha kailan lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s